PagbilaoWINS Moving Forward
Muling nagpatawag si Mayor Shierre Ann
Portes-Palicpic ng isang pagpupulong ng Pagbilao Inter-Agency Task Force noong
Mayo 5, 2020 na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan.
KUNG SAKALI na lilipat MULA ECQ TO GCQ
GENERAL COMMUNITY QUARANTINE sa MAY 16,2020
- Mga pinapayagang LUMABAS
ng bahay
- Mga pinapayagang MAGBUKAS
NA NEGOSYO
( ilalabas po namin ang otorisadong lista-antayin ang opisyal na anunsyo para no.1 at 2) - Ang ECQ ID ay
MANANATILING may BISA
*ito pa din ang gagamitin para makabili ng pangangailangan sa araw na itinakda - MAGBIBIGAY ng GCQ ID (2
kulay)
- GREEN
GCQ - para sa mga pinapayagang
makalabas kagaya ng driver ng pampublikong sasakyan ,o mga mobile na
manggagawa
- PULA
GCQ - para sa mga nasa
opisina,parlor,security guard ,construction worker , maninindahan o mga
trabahong naka istasyon lamang sa isang lugar
ibababa namin sa brgy ang mga id sa May10,2020 para maibigay sa mga PINAPYAGANG gagamit nito
- Kakailanganin ng picture 1x1
- Certificate of employment 3 Icopies - Magkakaroon na ng PUBLIC
transport
- Magpapatawag ng
meeting ang tanggapan ng Municipal Engineering Office
- Magtatakda ng
paglalagay ng mga plastic sa loob ng sasakyan para sa “distancing”
- Ang jeep at
pangpublikong bus ay di na pwedeng punuan
- Tricycle - one
passenger only
- Skates - 3
passengers only
- Bangka - depende
sa laki nito,babawasan din ang pasahero maaring sumakay
- Di na pwede
magholding hands ang mag jowa sa loob ng jeep,may harang na
- 100% na ang operasyon ng
tanggapan ng gobyerno
- Hinihikayat ang
pagtawag sa mga telepono kesa ang pisikal na pagpunta
- Pumunta lang kung
may pisikal na kailangang abyarin
- Mahigpit na
iiwasan ang office crowding
- Laging magdala ng
sariling ballpen
- Maghugas ng kamay
/ mag footbath bago pumasok sa munisipyo at iba pang medical protocol
- NO MASK,NO ENTRY
POLICY
*dapat p din ang pgsusuot ng MASK sa twing llabas ng bahay - IPINAGBABAWAL ang mga
PAGTITIPON SA COVERED COURT
- HINDI MUNA ITO
IPAPAHIRAM ng LGU
- Pansamantalang
KANSELADO ang mga maraming PAGTITIPON,LIGA, at mga OKASYON
- Gawin ang COVIDIARY
,kahit sa telepono o sa notebook
- Itala ang mga
pinupuntahan at mga taong nakaharap
- Magagamit kung
biglang kailanganin sa COVID TRACINGM
- PAGBABAWALAN ANG MGA
DENTAL AND MEDICAL MISSION na HINDI OTORISADO ng MUNISIPYO, Remember. Sa
LAWAY po madaling maisalin ang Covid virus, NAG IINGAT lang po
- Panukala na Magkaroon ng
RAPID TEST KITS( gayak na po ang proposal at budget)
- Malaman kung
meron na tayong antibodies sa katawan na lumalaban sa COVID19
- Ang rapid test na
gagawin sa munisipyo ay sa ika-5 araw mula lumabas ang COVID19 na
sintomas
- Kung MERON
magkakaroon ng CONFIRMATORY test sa pamamagitang ng SWABBING SA
OTORISADONG PAGAMUTAN
- HINDI pa din pinapayagan
ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isnag lugar,maliban na lang
kung ito ay programa ng NASYONAL NA GOBYERNO
BAWAL SUMUNDO NG HINDI OTORISADO SA ILALIM NG GUIDELINES - May mga STRATEHIYA po na
ilalabas para sa madami pang gawain at mga programa ng munisipyo( paki
intay po ang mga pabatla)
MAHIGPIT NA bilin,
hindi pa rin ganap ang KALAYAAN NATING LAHAT NA LUMABAS sa ilalim ng GCQ
- 0 to 20 years old / 60
and above mananatiling bawal lumabas.
- Ang papayagang lumabas ay
21 to 59 years old na may ECQ at GCQ pass
- Kasamang hindi papayagang
lumabas ang may mga MEDICAL CONDITION / karamdaman
GOODVIBES
Ngayon pong linggong ito,bababa muli ang
ating mga kawani. Mamamahagi ng:
- 15 Kilos na masasarap na
bigas
- Kape
- Asukal
- Gatas
- Biscuit