The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Pagbilao, Quezon is now COVID-19 FREE

May 09, 2020

News

Masaya po naming ibinabalita sa inyo mga minamahal na PagbilaoWINS na ang Bayan ng Pagbilao ay ganap nang COVID-19 FREE! Ang dalawang kumpirmadong kaso na naitala ay RECOVERED o tuluyan ng gumaling ayon sa report ng Quezon Public Information Office.

Pasasalamat po sa ating Diyos, sa mga nag-alaga sa aming kababayan, sa sakripisyo ng mga TeamBuhay at sa pagsunod ng mga TeamBahay.

Ipanalangin po natin na maging COVID19 Free na rin hindi lang ang lalawigan ng Quezon, maging ang ating buong bansa at mundo.

Sa kabila nito, patuloy ang paalala ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa lahat ng mamamayan na manatili sa loob ng ating mga tahanan at sumunod sa mga batas at polisiya na ipinatutupad para sa ating kaligtasan.

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!
We Heal As One!
We Recover As One!