The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

PagbilaoWins Donation Drive Damay Kaagapay, Tulungan Quezonian

January 08, 2021

News

January 8, 2021 | PagbilaoWINS Donation Drive DAMAY KAAGAPAY, TULUNGAN QUEZONIAN para sa bayan ng San Andres, Quezon

Tumulak patungo sa bayan ng San Andres sina MSWDO Emerita Madla at Executive Assistant of the Mayor Carlo Magno Ayaton kasama ang ilang kawani mula sa MDRRM Office at Tanggapan ng Punong Bayan upang ihatid mismo ang mga donasyong nalikom mula sa isinagawang Damay Kaagapay, Tulungan Quezonian Donation Drive ng Pamahalaang Lokal.

Malugod ang pagtanggap ng LGU-San Andres sa pangunguna ni Mayor Atty. Giovanne T. Lim ang mga PagbilaoWINS sa kanilang bayan at buong puso ang pasasalamat kay Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic para sa paglulunsad ng humanitarian effort, gaya nito para sa ating mga kalalawigan na labis na naapektuhan ng bagyo noong nakaraang taon.

Personal na tinanggap ni Sir Rutcheleo D. Badndayril, MSWDO-San Andres ang pinagsama-samang munting donasyon ng mga mamamayan ng bayan ng Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna #DamayKaagapay

Para sa iba pang larawan: Tingnan