The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Paghahanda at Monitoring para sa #BagyongRolly

November 01, 2020

News

Umaga ng Linggo | Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at Pagbilao MDRRM Council, nagsagawa ng mas pinaigting na Monitoring sa galaw ng Typhoon Rolly.

Aktibong nakipag-ugnayan sa isa't isa ang mga National at Local Offices kasama ang mga Barangay Officials ng Pagbilao upang tutukan ang sitwasyon ng mga lugar sa buong bayan. Siniguro ni Mayor Palicpic sa Emergency Meeting na naihanda na ang lahat ng Rescue Vehicle ng Munisipyo at Barangay pati na rin ang mga Rescue Boat sakaling kailanganin ang mga ito anumang oras. Nakahanda na rin ang mga Clearing Operation Equipment na gagamitin sa pagsasaayos at paglilinis ng mga pasilidad at daan matapos ang hagupit ang bagyo. Natalakay din ang mga usapin ukol sa mga ayuda at gamot na ipinamamahagi.

Samantala, naging tuloy-tuloy ang pagdating ng mga datos ukol sa bilang ng mga Evacuees na inilikas mula sa mapanganib na lugar tungo sa mga itinalagang Evacuation Centers. Inasahan ang malakas na hangin at ulan sa Bayan ng Pagbilao, kung kaya't muling pinaalalahanan ang mga PagbilaoWins na mas tiyakin at paigtingin ang paghahanda sa pagdating na bagyo.

Gamit ang CCTV Public Address System, nanawagan ang Punong Bayan sa mga PagbilaoWins na patuloy ipagdasal ang sitwasyon at manatiling ligtas at nagkakaisa.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWins #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

#StaySafe #BagyongRolly

Para sa iba pang larawan Tingnan