November 11, 2020 | Mayor Shierre Ann
Portes-Palicpic at Pagbilao MDRRMC, nagsagawa ng Emergency Meeting bilang
paghahanda sa Bagyong Ulysses.
Tinalakay sa pagpupulong ang mas pinaigting
na pagmomonitor sa galaw ng bagyo at ang kahandaan ng Pamahalaang Lokal ng
Pagbilao sa pagtutulungan ng National and Local Offices.
Ayon sa ulat, inaasahang magiging malakas ang
ulan dala ng bagyo at maaaring magdulot ng landslide kung kaya pinapayuhan ang
mga nasa mabababang lugar na makipag-ugnayan sa Barangay para sa paglikas.
Dahil dito, Tiniyak ni Mayor Palicpic na
nakahanda ang mga Rescue Vehicles ng LGU at ng mga Barangay para sa agarang
pagresponde sa ating mga kababayan.
24/7 din namang nakatutok ang ating Pagbilao
Command Center sa kalagayan ng ating bayan.
Manalangin po tayo na sa tulong at awa ng
Panginoon ay muling maging ligtas ang ating bayan at ang bawat isa.
Kayang-Kaya
Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna #UlyssesPH