Naglagay ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao
sa direktiba at inisyatibo ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ng mga
'markings' o mga tanda sa mga pampublikong lugar at mga lugar na malimit na
puntahan ng mga kababayang PagbilaoWINS para sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Masisilbing 'reminder' o paalala ang mga
naturang markang ito sa 'physical distancing' na ipinatutupad sa bayan ng
Pagbilao kung gaano kalayo ang isang tao mula sa isa pa.
Ayon naman sa datos ng PNP-Pagbilao, mahigit
50 katao na ang naaresto dahil sa paglabag sa 'physical distancing' sa ilalim
ng RA 151 of ' Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to Person in
Authority in relation to Enhanced Community Quarantine'.
Tayo po ay sumunod, wag sumuway!