The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Panimulang Pamilihang Bayan

September 25, 2021

News

Matagumpay na isinagawa ang PANIMULANG PAMILIHANG BAYAN sa pagtutulungan ng Samahan ng Magsasaka ng Gulay sa Bayan ng Pagbilao (SMGBP) at Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Pagbilao nitong Setyembre 25, 2021.

Dinaluhan ito nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic at Municipal Agriculturist Leonora Melendrez na ginanap sa The Barrage at Brgy. Mapagong, Pagbilao, Quezon.

Nilinaw at binigyang-diin ni Mayor Palicpic na ang Panimulang Pamilihang Bayang ito ay hindi kakompetensya ng Palengke dahil bultuhan o limang kilo ang pinakamababang dami ng produkto ang maaaring mabili.

Regular itong isasagawa tuwing Sabado mula 9:00AM to 12:00PM.

Kayang Kayang Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3CRIBAv