The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Panunumpa

August 04, 2022

News

Nanumpa kahapon, Agosto 4, 2022 sa tanggapan ng ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes sina G. Ronie Sepillo at G. Eduardo Yano bilang mga  tanod ng Bgy. Kanlurang Malicboy at si Christine Lorena bilang Barangay Health Worker ng Añato.

Dumating sa tanggapan ni Ate Gigi si Kapitan Ryan Lustado ng Bgy Tukalan at pinag-usapan nila ang ilang mga isyu ng barangay at mga programang isasagawa ng kapitan doon.

Sinundan ito ng pagbisita naman nina Rein Villareal, Jojo Bragais, Charles Nathan at Rowena Concepcion at Team Bragais kay Mayor Ate Gigi Portes upang ipakita ang buong pagsuporta dito.

Pagkaraan, dumalo ang alkalde sa Women Economic Empowerment Program kung saan nakibahagi siya sa pamimigay ng freezers, chillers at food carts sa mga kasapi ng KALIPI at Rural Improvement Club. Ang mga naturang kagamitan ay mula sa pondo ng Municipal Gender and Development.

Pinangunahan din ni Ate Gigi ang pagpupulong ng Local Poverty Reduction Action Team at Municipal Fisheries and Aquatic Resource Center.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3QFAazf