The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Panunumpa sa Katungkulan

June 30, 2022

News

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA HALAL NA OPISYALES NG BAYAN NG PAGBILAO

June 30, 2022 | Pinangunahan ang seremonya ng Kagalang-galang na Panauhin, Agripino R. Bravo, Tagapangulong Hukom ng Panrehiyong Hukuman ng Paglilitis, Sangay 55 para sa Panunumpa sa Katungkulan nina Punong Bayan, Kgg. Angelica "Ate Gigi" Portes, Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Shierre Ann Portes-Palicpic at mga halal na Miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kgg. Manuel R. Luna, Kgg. Michael E. Martinez, Kgg. Jeffrey A. Tiñana, Kgg. Mary Catherine M. Garcia, Kgg. Aldrien R. Calabia, Kgg. Joahnnes R. Mercado, Kgg. Celedonio C. Dapla at Kgg. Bernardita D. Ayaton na ginanap sa Municipal Covered Court.

Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng Ekumenikal na Panalangin sa pamumuno ng mga kinatawang pansimbahan na sinundan ng masiglang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, Lalawigan ng Quezon at Himno ng Papag at Bilao, pagkatapos makapasok ng mga halal na lingkod-bayan kasama ang kanilang mga minamahal na pamilya.


Sa pambungad na pananalita ni MLGOO Sarah O. Rivera, mainit niyang binati si Out-going Mayor at newly elected Vice Mayor Shierre Ann Palicpic dahil sa kanyang makabuluhang serbisyo sa loob ng siyam na taon o tatlong termino bilang Punong Bayan ng Pagbilao. Gayundin, ipinaabot din niya ang kanyang pagbati sa newly elected Mayor Angelica Portes sampu ng Sangguniang bayan Members at umasa sa patuloy na Matino, Mahusay at Maasahan na pamamahala ng bayan.


Isinagawa rin ang Simbolikal na Pagpapasa ng Katungkulan at Kapangyarihan sa pagitan nina Kgg. Shierre Ann Portes-Palicpic na kasama via live streaming at Kgg. Angelica "Ate Gigi" Portes sa presensiya ni Gng. Sarah O. Rivera, Pambayang Opisyal - Operasyon ng Pamahalaang Lokal. Alinsunod sa DILG Memorandum 2020-09 ukol sa Local Goverenance Transition, pormal ding ipinasa ang kalipunan ng mga tala, dokumento at transaksyon ng Pamahalaang Lokal kay Mayor Portes.


Narito ang link ng recorded live streaming ng Panunumpa sa Katungkulan 2022: https://fb.watch/dZ4CzBOpO1/

Mas Magkasama, Mas Magkasangga, Mas Kayang Kaya!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPortesPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3bDKTe7