The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

PDRRMO Certificate of Commendation

July 18, 2022

News

AWARD AGAD!!!

Labingsiyam na araw sa kanyang panunungkulan bilang butihing Punong bayan ng Pagbilao, tumanggap na agad ng pagkilala si Mayor Ate Gigi Portes mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na ginanap ngayong umaga, July 18, 2022 sa Lucena City.

Ang pagkilala ay pinangunahan ng ating minamahal na Ina ng Lalawigan, Gobernadora Doktora Helen Tan. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang iba pang Punong bayan sa Lalawigan ng Quezon kasama ang kani-kanilang MDRRMO Officers.

"Overwhelming but humbling," ang pahayag ni Mayor Ate Gigi. Dagdag pa niya "Ang pagkilalang ito ay bunga ng pagpupunyagi ng ating mga kawani sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni Sir Delfin Magana. Binabati ko ang MDRRMO. Mabuhay po kayo! Sana ay lalo pang magpatuloy ang dedikasyon ng lahat ng kawani ng munisipyo ng Pagbilao upang maipakita natin ang dedikasyon sa serbisyo publiko. Anumang pagkilala mula sa iba't ibang institusyon bagama't insidental na lamang ito sa ating mga trabaho, ay patunay pa rin na hindi natin pinababayaan o ipinagwawalang bahala ang pagtupad natin sa paglilingkod sa taong-bayan. Umaasa akong tatanggap pa tayo ng maraming awards o pagkilala sa mga susunod na panahon."

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3ct5N00