PagbilaoWINS RHU, kauna-unahang PhilHealth
Konsulta Accredited sa buong CALABARZON
Nitong hapon ng Biyernes, matagumpay na isinagawa
ang Dry Run ng Pagbilao Rural Health Unit bilang pilot PhilHealth Konsulta:
Konsultang Sulit at Tama sa Municipal Health Office, March
12, 2021.
Pinangunahan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic
katuwang si Dr. Riki J. Tolentino at ng Philhealth Region IV-A ang programang
KONSULTA.
Ang Philhealth Konsultang Sulit at Tama o mas
kilala na Philthealth Konsulta ay ang pinalawak na Primary Health Care Benefit
ng PhilHealth na maaaring magamit ng lahat. Kinakailangan lamang magparehistro
sa PagbilaoWINS RHU Konsulta Facility na gagawin online at pagkatapos ay
makatatanggap ng confirmation mula sa PhilHealth.
Ang pagpaparehistro sa Konsulta Facility ay
alinsunod sa itinakda ng Universal Health Care (UHC) Law na naglalayong na ang
bawat mamamayan sa ating bayan ay mayroong doktor na tutugon sa
pangangailangang pangkalusugan at magkakaroon ng continuity of care sa
pamamagitan ng pasilidad na ito.
Check-Up, Health Screening and Assessment,
Laboratory at gamot ayon sa health risks, edad at pangangailangan ang ilan
lamang sa serbisyong makukuha sa RHU Accredited PhilHealth Konsulta Facility.
Kayang Kaya Basta't
Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Narito ang iba pang larawan:
https://cutt.ly/gzZzaKR