Pinangunahan ni Mayor Ate Gigi Portes ngayong araw ang sunod sunod na pagpupulong sa pagitan ng LGU Pagbilao at iba’t ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang serbisyo sa mga Pagbilaoin.
Nakipag ugnayan ang Alkalde kay Col. Juanito Parazo Jr., Ginoong. Delfin Magana, at Kapitan Carlos pati na ang mga pinuno ng Pagbilao reservists upang mapa igting ang peace watch program at pangalagaan ang kapayapaan sa bayan.
Nakapanayam naman ng Alkalde ang mga empleyado ng National Housing Authority upang pagusapan ang proyektong pabahay sa mga Pagbilaoin na naninirahan sa riles ng tren.
Ito ay sinundan ng isang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Quezon Metropolitan Water District, upang pagusapan ang mga kadahilanan at solusyon sa lumalalang suliranin ng patubig.
Gayundin, kailangang paigtingin ang mga serbisyong pang kalusugan para sa mga Pagbilaoin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ibat ibang proyekto na pamamahalaan ng Municipal Health Office.