The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Plastic Palit Bigas Program

December 01, 2021

News

"PLASTIC PALIT BIGAS" Program, inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa Pampublikong Pamlihang Bayan nitong Disyembre 1, 2021.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, isinagawa ang programang Plastic Palit Bigas sa pangangasiwa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic na siya ring Designated MENRO.

Ngsusulong ang programang ito ng kamalayan sa wastong pamamahala ng 'solid waste' at paano ito makatutulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ang isang kilong plastic ay kapalit ng isang kilong bigas. Maaari ang balat ng shampoo, sabon, sitsirya at iba pang kauri nito. Ipinagbabawal naman ang mga sando bag, tranparent na plastic tulad ng 8*11 at matitigas na plastic gaya naman ng mga laruan, crates at iba pa na kagaya nito.




Ang bawat barangay ay may nakalaan na apat (4) na sakong bigas o 200 kilograms na bigas at limitado naman sa limang kilo ang bawat tao.

Para sa mga nais maging kabahagi ng Plastic Palit Bigas Program, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong barangay o magtungo sa Tanggapan ng MENRO na matatagpuan sa Municipal Public Market.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic