Binista ng mga kawani ng
Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang ating Pamilihang Bayan upang muling
imonitor ang presyo ng mga bilihin at ang mga computer shops upang inspeksyunin
ngayong araw, Marso 18, 2020. Ipinababatid po sa publiko na ang ating
Pamilihang Bayan ay MANANATILING BUKAS upang may mabilhan ng mga pangunahing
produkto ang ating mga kababayan. Inaasahan na mahigpit na ipapatupad ang social
distancing protocol sa ating palengke at nililinaw rin po na ang tiangge tuwing
Miyerkules ay pansamantalang ititigil. Panawagan ng Pamahalaang Bayan sa lahat
ng mga may-ari ng computer shops na dapat ito po ay SARADO, wag po tayong
pasaway. Iwasan po natin ang pagpopost at pagshashare ng mga walang
katotohanang impormasyon at hinihiling po ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat
ng mga mamamayan. Maraming salamat po.