Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan
ng Bayan ng Pagbilao at ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa Prime Water
Quezon Metro sa pagkakaloob ng 10 handwashing station.
Personal naman na tinanggap ni Municipal
Administrator Engr. Ian T. Palicpic ang nasabing mga kagamitan na ilalagak sa
mga pampublikong lugar ng ating bayan na malaking tulong para sa kalinisan at
kaligtasan ng ating mga kababayan.
Paalala pa rin ni Mayor Shierre Ann
Portes-Palicpic na ugaliin ang paghuhugas ng kamay upang ligtas tayong lahat sa
anumang uri ng virus o sakit.
For more photos Click here