The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Public Market Price Monitoring and Inspection

March 16, 2020

News

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang Public Market Price Monitoring and Inspection sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry - Pagbilao, BPLO, MENRO at Tanggapan ng Pambayang Magsasaka ngayong araw, Marso 16, 2020. Ang price monitoring at inspeksyon ay direktiba ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic upang matiyak na ang presyo ng mga bilihin lalo't higit ang mga pangunahing pangangailangan ay may tama at sapat na presyo para sa lahat ng mga konsumer at mamimili ngayong kumakaharap sa krisis ang buong mundo dulot ng paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Halaw sa Kautusang Bayan Bilang 1 na nilagdaan ni Mayor Palicpic, "Kung may mapuna na kakaibang pagtaas ng presyo ng bilihin mangyaring kunan ng larawan ang produkto at tindahan at makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) - (042) 795-0382 at sa munisipyo, (042) 797-0937 o magpadala ng email sa quick@pagbilao.gov.ph