The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

QPLC's Farm Fresh Chicken

April 07, 2020

News

Umarangkada na ngayong araw, Abril 7, 2020 ang “Mobile Chicken Store” ng Quezon Poultry and Livestock Corporation (QPLC) sa pakikipag-ugnayan nito sa Pamahalaang Lokal ng Pagbilao na maghatid ng mga bilihing manok na matatagpuan sa likod ng munisipyo. Sa halagang isang daang piso (P 100.00) ay makabibili ng 800 grams hanggang isang (1) kilong manok. Ang isang mamimili ay maaari lamang bumili ng hanggang tatlong (3) balot na manok (maximum) upang mas maraming kababayan natin ang makinabang. Ang QPLC ay makapagsu-suply ng 5000 kilong mga manok ‘per delivery’. Mag-iiba ang 'schedule' nito depende sa 'availability' ng QPLC. Masusing mino-‘monitor’ ang ECQ-ID at ipinapatupad ang ‘physical distancing’ bilang hakbang laban sa pagkalat ng ‘coronavirus disease 2019’ (COVID-19).