The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Relief Goods para sa mga Evacuees

November 01, 2020

News

Linggo | Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, tuloy-tuloy na namahagi ng mga ayuda.

Mula sa nakalipas na araw at ngayong Linggo ay naging abala ang Local Government Unit sa paghahanda at pamamahagi ng mga Relief Goods para sa mga Evacuees. Tulong-tulong sa operasyon ang MDRRMO, MSWDO, GSO, MEO, Administrator's Office, BFP, PNP na sinamahan din ng Friendly Forces mula sa mga Volunteer Groups, Military, atbp.

Samantalang personal na tinututukan ni Mayor Palicpic ang Evacuation ng humigit-kumulang 1,278 na Pamilya o 4,548 na mga indibidwal mula sa iba't ibang barangay. Personal namang pinamahalaan ni Engr. Ian T. Palicpic, Municipal Administrator, ang agarang pagdadala ng mga ayudang bigas, de lata, gatas, diaper, atbp. para sa mga Evacuees na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin.

Sa maghapong operasyon ay nakaantabay din ang mga personnel sa CCTV Command Center, Mayor's Office, MHO at iba pang tanggapan upang tumanggap sa mga kababayang PagbilaoWINS na nais sumangguni at humingi ng tulong.

Muli ring ipinanawagan ng Pamahalaang Lokal sa mga PagbilaoWins na habang hindi pa tuluyang nakakalampas ang bagyong Rolly ay manatili pa rin ang lahat sa ligtas na lugar.

 

Kayang Kaya Basta Sama-sama.

#PagbilaoWins #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

#StaySafe #BagyongRolly

Para sa iba pang larawan Tingnan