Pebrero
13, 2020 Matagumpay ang isinagawang relief operation para sa mga evacuees ng
pagsabog ng Bulkang Taal sa Ibaan, Batangas.
Pinangunahan
ng mga kawani ng Tanggapan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang nasabing
pamamahagi katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office
(MDRRMO) sa pamumuno ni Sir Delfin P. Magana at ni Ms. Emerita B. Madla naman
ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ang
mga natanggap na donasyon tulad ng bigas, mga de lata, hygiene kit, beddings,
mats, timba, inoming tubig at iba pa ay pinagsama-samang tulong mula sa Lokal
na Pamahalaan ng Pagbilao at mga may bukas loob na kababayang PagbilaoWINS.
Nagpapatotoo
na "Kayang-kaya Basta't Sama-sama."