Pebrero 13, 2020 Matagumpay rin ang isinagawang relief
operation para sa mga evacuees ng pagsabog ng Bulkang Taal sa San Luis,
Batangas.
Personal na ipinamahagi ang mga relief goods ng mga
kawani ng Tanggapan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang ang Municipal
Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Sir Delfin P.
Magana at ni Ms. Emerita B. Madla naman ng Municipal Social Welfare and
Development Office (MSWDO).
Ang mga natanggap na donasyon tulad ng bigas, mga de
lata, hygiene kit, beddings, mats, inoming tubig at iba pa ay pinagsama-samang
tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao at mga may bukas loob na
kababayang PagbilaoWINS.
Nagpapatunay na "Kayang-kaya Basta't
Sama-sama."