Matagumpay ang isinagawang relief operations ng
Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas
noong Pebrero 21, 2020. Ipinaabot sa mga nasabing bayan ang relief goods sa
pangunguna ng staffs ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang ang
Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Municipal
Social Welfare and Development Office (MSWDO). Ito na ang ikalawang beses ng
pagbibigay-tulong ng Pamahalaang Bayan sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang
Taal kung saan ang unang nakatanggap ng tulong ay ang mga kapatid natin sa mga
bayan ng San Luis at Ibaan sa Batangas. Ang mga natanggap na donasyon tulad ng
bigas, mga de lata, hygiene kit, beddings, mats, inoming tubig at iba pa ay
pinagsama-samang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao at mga may
bukas loob na kababayang PagbilaoWINS. Nagpapakita lamang na ang lahat ng bagay
ay masosolusyonan kung pagtutulungan nating lahat.