The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Resbakuna Orientation - PNHS

May 27, 2021

News

MAY 27, 2021 | ResbakUNA Orientation para sa mga gurong PsgbilaoWINS, idinaos sa Pagbilao National High School

Sa pamamagitan ng maayos na pagpapaliwanag ni Ate Gigi Portes bilang Resource Speaker sa isinagawang Ligtas Gabay sa COVID-19, isang daang porsyento ng mga dumalong guro ang boluntaryong sumang-ayon na magpabakuna laban sa CoVid-19.

Naniniwala si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na inilaang oras at pagkakataon ng ating mga kaguruan ay malaking ambag, ambag upang mahikayat din ang PTA na nasa kanilang classroom, ang mga estudyante na kwalipikado nang magpaturok at gayundin ang kanilang sariling pamilya. Aniya, "Let us be Filipinos who stand together for a common good and that goodness will come from us."

Personal ding dumalo sa aktibidad sina Dra Mariam Merluza, Kasangga sa Edukasyon Kons. Dita Ayaton, Kasangga sa Turismo Kons. Aldrien Calabia, Kasangga sa Agrikultura Kons. Manny Luna at ang Team PagbilaoWINS.

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!

Dahil ang Sektor ng Edukasyon, Yes na Yes sa ResbakUNA!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/2e39x7tt