The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ribbon Cutting of 2-Storey 4-Classroom Building

November 08, 2022

News

Pinasinayaan at isinagawa ang pagpuputol ng laso para sa bagong 2-Storey 4-Classroom Building na matatagpuan sa Bagumbungan Elementary School noong November 8, 2022.

Ito ay pinangunahan ng ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes kasama sina Pagbilao Deped II District Supervisor Desideria Zafranco, School Principal Lorna Noblefranco, PB Jaime Peñalosa, mga guro at mag-aaral.

Binigyang-diin ni Mayor Gigi sa kanyang mensahe ang pagtataguyod at paghahatid ng kalidad na edukasyong maging sa mga malalayong barangay gaya ng Barangay Ilayang Bagumbungan. Hangad niya ang pantay na edukasyon sa lahat ng mga kabataang Pagbilaowins.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro, magulang at mag-aaral sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao para sa makabuluhang proyektong ito.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3id2ihe