
Pinangunahan ng ating napakasipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ang opisyal na paglagda sa Deed of Donation ng dalawang Fire Truck sa Sentrong Pangkabuhayan. Ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang mga trak sa Bureau of Fire Protection Pagbilao. Sinaksihan ang nasabing okasyon ng iba't ibang opisyal.
Pagkaraan, nakipagpulong si Ate Gigi sa 27 Pangulo ng Senior Citizens mula sa bawat barangay ng Pagbilao na ginanap sa Senior Citizen Building sa Bgy Mapagong.
Dumalo rin ang ating Mayora sa pulong ng 27 RIC Presidents sa Brgy. Mayhay. Inilahad niya ang iba't ibang produktong likha ng mga kasapi na magiging kapakipakinabang para sa mga kababaihang Pagbilaowins.
Sa patuloy na pag-aalaga, nagbigay ng mensahe ang alkalde sa Usapang Buntis na dinaluhan mga taga Brgy Ibabang Palsabangon. Hinikayat niya ang mga ina ng tahanan na suportahan ang mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3MRgK9z