Tinungo ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ang
Brgy. Ibabang Palsabangon upang ibigay ang mga sako ng bigas bilang ayuda sa
mga pamilyang PagbilaoWINS. Pormal naman itong tinanggap ng mga opisyal ng
barangay na silang mangangasiwa sa pagkakaloob nito sa kanilang mga residente.