The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Seal of Good Local Governance Award

December 15, 2022

News

GOOD NEWS!

Seal of Good Local Governance Award, muling iginawad sa Bayan ng Pagbilao!

Personal na tinanggap ng masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes kasama si MLGOO Sarah O. Rivera ang most coveted 2022 Seal of Good Local Governance, kasama ang P5-M incentive fund subsidy, sa isinagawang SGLG Awarding Ceremony ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Manila Hotel noong Disyembre 15, 2022.

Ang SGLG ang pinakamataas na pagkilala at pinakaprestihiyosong parangal na ibinibigay ng DILG sa mga mahuhusay at gumagampang Local Government Units sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo publiko alinsunod sa mga kaukulang pambansang batas, mga programa at mga alituntunin ng pamahalaan.

Sa taong ito, saklaw ng pagsusuri at pagsisiyasat ang mga resulta ng paggampan ng LGU sa kasagsagan ng pandemyang hatid ng COVID-19 (2020-2021).

Bukod dito, itinaas ng DILG ang pamantayan mula 7 hanggang 10 pillars matapos maging epektibo ang Republic Act 11292 o ang SGLG Law.

Ang sampung (10) haligi ng mabuting pamamahala ay:

• Financial Administration at Sustainability

• Paghahanda sa Sakuna

• Proteksyon sa lipunan

• Pagsunod at Pagtugon sa Kalusugan

• Likas na Edukasyon

• Business-friendly at Competitiveness

• Kaligtasan, Kapayapaan at Kaayusan

• Pamamahala sa Kapaligiran

• Turismo, Pagpapaunlad ng Pamana, Kultura at Sining

• Pag-unlad ng Kabataan

Mabuhay ang Pagbilao! Mabuhay ang Pagbilaowins!

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3FNFpc4