The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

SHS & ALS GRADUATION DAY

July 06, 2022

News

SULONG EDUKASYON

AYUDANG MEDIKAL

Dumalo kahapon, Hulyo 6, 2022, ang butihing Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes bilang Panauhing Pandangal sa 1st Graduation  ng Senior High School at Alternative Learning System Graduation sa Binahaan Integrated School.

Sa dalawang okasyon, binanggit ni Mayor Ate Gigi ang kahalagahan ng pangarap at pagtupad nito sa pamamagitan ng edukasyon. Ibinahagi din niya na isa sa mga pangunahing programa ng kanyang administrasyon ang pagpapaunlad, paggabay, at pagsuporta ng pamahalaang lokal upang maisulong pa ang de-kalidad na edukasyon sa bayan ng Pagbilao.

Pagkaraan, bumisita ang kinatawan ng BONPEN Ambulatory Surgical and Diagnostic Center kay Mayor Gigi upang makipagtulungan sa pamahalaang lokal at matulungan ang mga pasyenteng Pagbilaowins.

Nilalayon ng butihing Punong bayan na ipatupad ang malawakan at tuloy-tuloy na serbisyong medikal sa buong Pagbilao.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3bYWEfu