The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Special Program for the Employment of Students (SPES)

October 07, 2020

News

May kabuuang 35 kabataang PagbilaoWINS benepisyaryo ang sumailalim sa programa ng nasyonal na gobyerno ang Special Program for the Employment of Students (SPES) ngayong taong 2020 sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao.

Ayon kay Ma'am Isabelita Lucila, HRMO/PESO Officer, sa gitna ng laban sa COVID-19 ay nagpatuloy ang SPES Program at tumalima sa age restrictions at ilang protocols upang maisakatuparan ang nasabing programa.

Sa mensahe ng ating Ina ng Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic naniniwala siya na "If you want to change the government, you need to change yourself also" isang hamon na kanyang binitawan sa mga kabataang naging bahagi ng SPES Program ng LGU sa loob ng tatlumpung (30) araw.

Ang bunga ng pinagsikapan ng mga kabataan ay natanggap nila noong Oktubre 6, 2020 na malaking tulong sa kanilang pag-aaral.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here