
Noong nakaraang Martes, inimbitahan bilang Guest Story Teller ang ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes sa Parang-Pinagbayanan Elementary School.
Masiglang ibinahagi ni Mayor Ate Gigi ang kwentong "Ang Kamatis ni Peles" sa mga Grade 1 students ng naturang paaralan.
Sa kabilang banda, dumalo rin ang Punong Bayan at nagbigay ng kanyang mensahe sa isinagawang Barangay Secretaries' Orientation-Seminar and Workshop on Civil Registration na ginanap sa Municipal Covered Court. Ito ay pinangasiwaan ng Municipal Civil Registry sa pamumuno ni Sir Eladio Martinez.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3HSj7bO