The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Supermodel of Asia Pacific 2022

December 05, 2022

News

December 05, 2022 | Nag-ulat ang ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ng kanyang mga aktibidades noong nakaraang linggo kaalinsabay ng Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Coordinator's Office sa Municipal Covered Court.

Buo ang suporta ni Mayor Ate Gigi sa pagbisita ni Supermodel of Asia Pacific 2022 Gracelle Nicole Distura sa ilang mga pangturismong destinasyon sa bayan ng Pagbilao para sa promosyon nito at para sa nalalapit na Supermodel International Philippines National Model Search na gaganapin sa May 13-20, 2023.

Sa kabilang banda, nakipagpulong naman si Mr. Lee at mga kasamahan sa masipag na Punong Bayan kasama si HRMO Magdalena Gloria ukol sa schedule ng screening ng mga Pagbilaowins na nagnanais mag-apply sa bansang Korea bilang Seasonal Farmers. Hindi lamang hanapbuhay ang maiibigay sa kanila bagkus maging transfer of technology knowledge sa nasabing gawain.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3FDgnME