The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

TEKNOLOHIYA PARA SA EDUKASYON

August 19, 2022

News

TEKNOLOHIYA PARA SA EDUKASYON

Kahapon, Agosto 18, 2022 pinangunahan ng ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes ang pamamahagi ng Information and Communication Technology (ICT) Equipment sa mga pampublikong paaralan ng Pagbilao District I at II na ginanap sa Inner Court ng Pagbilao Central Elementary School at Binahaan Integrated School.

Ito ay dinaluhan ng Public Schools District Superviso, mga School Heads at Public teachers na silang makikinabang sa mga makabagong kagamitan na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lokal sa ilalim ng Computerization Program ni Ate Gigi Portes.

Sa mensahe ng Punong bayan kanyang isinaad na "Ang pamamahagi ng mga computer at printer ay lubos na magagamit ng ating mga minamahal na guro at mag-aaral lalo't higit sa paghahanda sa pagbubukas ng mga paaralan sa darating na August 22. Ito ay nagpapatunay na palagi ninyo kaming kaagapay sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa Pagbilaowins."

Pagkaraan, nagbigay din ng mensahe si Mayor Ate Gigi Portes sa oryentasyon ng mga magulang ng Pagbilao East Elementary School bilang paghahanda sa opening of classes ng naturang paaralan. Ibinida ng alkalde ang kanyang mga programang ikakasa para sa sektor ng edukasyon gaya ng Iskolar nG Pagbilao, Free WIFI Connections, Financial Assistance para sa mga magmamasteral na guro at gayundin sa SPED o mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

Dagdag pa rito, hinimok rin niya ang magulangin na magpabakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang proteksyon at malugod na ibinalita ang kanyang inilunsad na programa ang "Pagbilao, Bakunado, Kaya Panalo, Raffle Promo" upang mas paigtingin ang vaccine administration.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3R9VEVA