The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

The Governor Meets the Mayor

August 03, 2022

News

The Governor Meets the Mayor

Malugod na tumugon kahapon ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes sa paanyaya sa kanya ng Iginagalang na Gobernadora Helen Tan para sa isang pagpupulong sa Kapitolyo.

Sa nasabing pulong ng dalawang Ehekutibo, tinalakay ang mahahalagang sektor para sa higit na ikauunlad ng Pagbilao. Una sa talakayan ay ang ukol sa Kalusugan na matalinong inilahad ni Dr. Riki Tolentino ang Konsulta Programa sa ilalim ng kanyang pamamahala na naglalayong pabilisin ang sistema ng pag-alam sa medical hisyory ng mga payente. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Health Insurance. Pinuri ng Gobernadora ang programa at nagbigay ng mga sushestyon upang lalo pang mapaunlad ang pambayang klinika ng ating bayan.

Ibinahagi rin ni Mayor Ate Gigi ang programa niyang Karinderya ni Ate Gigi na naglalayong matugunan ang malnutrisyon ng mga bata sa Pagbilao. Sumang-ayon dito ang mahal na Gobernadora at nangakong ikokonekta niya ang Karinderya sa programang pangkalusugan ng kanyang tanggapan.

Binanggit din sa pulong ang pagnanais ng Pagbilao na magkaroon ng Super Health Center na positibo namang sinang-ayunan ng Gobernadora at nangakong isasama niya ang plano sa pakikipagpulong niya sa Department of Health.

Sa bahagi ng Turismo, isinangguni ni Ate Gigi sa Gobernadora ang Mangrove Sanctuary ng Pagbilao ang plano niyang gawing sentro ng Turismo ang lugar na positibo ring tinugunan ng Gobernadora. Patunay dito ay ang pangakong pagbista sa bakawan ng Tanggapan ng Gobernador, Panglalawigang Taggapan ng Turismo at Inhinyero para tingnan at tiyakin ang mga dapat gawin sa nasabing lugar.

Binanggit din ni Ate Gigi ang kahilingan niyang matapos na ang ginagawang by-pass road sa Pagbilao upang maging maalwan ang byahe sa Pagbilao. Agad namang tumugon ang Gobernadora na gagawan niya ito ng paraan sa lalong madaling panahon. Kasama rin sa mga mahahalagang bagay na napag-usapan ay ang proseso ng Tax Collection at kalagayan ng mga mangingisda ng Pagbilao.

Isinangguni ni Ate Gigi sa Gobernadora ang plano niyang paglalagay ng detachment ng Philippjne Coast Guard sa Pagbilao para sa proteksyon ng karagatan at maliliit na mangingisda ng bayan.

Matapos ang matagumpay na pagbisita sa Tanggapan ng Gobernadora Helen Tan, nagtungo naman sa kanyang tanggapan ang napakasipag nating alkalde. Doon ay nakipagpulong naman siya sa tatlong lupon na kinabibilangan ng  Local Health Board, Municipal Nutrition Council at Municipal Council for the Protection of Children para sa pagsasagawa ng kanilang mga programa.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3SnSWww