The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

The League of Municipalities of the Philippines Quezon Chapter

July 28, 2022

News

Pansamantalang tumigil sa kanyang tanggapan kahapon, July 28, 2022 ang ating butihing Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes para lagdaan ang mga papel ng mga gawain at proyektong nakalaan sa bayan ng Pagbilao.

Pagkaraan ay dumalo siya sa pulong ng The League of Municipalities of the Philippines Quezon Chapter kung saan nanalo bilang Pangulo si Mayor Rachel Ubana ng Lopez,  Pangalawang Pangulo Mayor Gelo Devanadera ng Sampaloc, at Kalihim, Mayor Matt Erwin Florido ng General Luna.

Ipinaabot ni Ate Gigi ang pagbati sa mga nanalong opisyal at nagpaabot ng mensahe ng pakikipagtulungan sa bagong pamunuan gayundin ng pagtalima sa mga proyekto at programang ipatutupad ng iginagalang na Gobernadora Dra. Helen Tan.

Dumalo rin si Ate Gigi sa paghahayag, pagtalakay, at pagtatasa ng Annual Investment Plan ng Local School Board na dinaluhan ng District Supervisor Mr. Catalino Porta at Mr. Gener Catapang, Alternative Learning System Coordinator.

Sa huli, muling ipinaalala ni Ate Gigi sa mga kawani ng Mayor's Office na pag-ibayuhin ang kampanyang pangkaligtasan laban sa dengue at African Swine Fever.

"Higit sa lahat, ang kaligtasan ng bawat Pagbilaowin ang una nating dapat pagtuunan ng pansin," ani ng butihing alkalde.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3vr5M3f