The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Thermal Scanning in Public Market

March 30, 2020

News

Isinasagawa ang thermal scanning sa ating Pampublikong Pamilihang Bayan ngayong araw. Pumipila ang mga mamimili ng may isang dipang agwat sa bawat isa at sumusunod sa mga nakatalagang guhit bilang pananda. Dumadaan din sila sa 'foot bath' o batya na may disinfectant para sa sanitasyon. Pinapanatili rin ang 'physical distancing' sa tapat ng bawat stall bilang pag-iingat. Mayroon ding mga 'cover' o pantaklob sa mga bilihin tulad ng mga karne at gulay. Paalala sa lahat na magsuot ng mask tuwing mamamalengke at bibili ng gamot. Inaasahan ang patuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat isa!