The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Tree Growing Activity

September 16, 2022

News

"Makabuluhang Paglilingkuran"

Noong nakaraang Biyernes, pinangunahan ng ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ang Tree Growing Activity bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-122 taong anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) na ginanap sa Palsabangon Experimental Forest Reserve.

Dumalo rin si Ate Gigi sa People's Council Meeting sa Sentrong Pangkabuhayan katuwang si MLGOO Sarah Rivera kung saan pinili ang kanilang kinatawan sa mga Local Special Bodies. Nanumpa rin ang itinalagang officers ng naturang konseho sa harap ng Punong Bayan.

Pagkaraan, nakipagpulong si Mayor Ate Gigi sa CCT Construction Corp. patungkol sa pagbibigay-alam na sila ay magkakaron ng repairs and maintenance sa loob ng powerplant simula October 2022 hanggang March 2023. Ito ay dagdag trabaho para sa Pagbilaowins dahil bilang pauna ay magkakaroon ng 27 laborers ang naturang gawain.

Binisita naman ni Mr. Graham Elliot at Ma'am Diana Dabu ang Punong bayan sa kanyang opisina upang ipaabot ang kanilang personal na pasasalamat sa suportang bininibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa kumpanya ng Energy World sa ginagawang Liquefied Natural Gas Facility sa bayan ng Pagbilao.

Nagpatawag din ng Solid Waste Management Board Meeting ang Punong Bayan kung saan tinalakay ang operasyon ng Sanitary Landfill, pagbili ng lupa para dito, proper segregation and waste disposal, pagpapatupad ng ordinansang umiiral at ang pagdadagdag ng dumptruck.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3SdTiVV