The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers

April 23, 2021

News

23 April 2021 | Mahigit 220 PagbilaoWINS ang dumalo sa DOLE TUPAD Orientation Seminar, bago isagawa ang kani-kanilang Community Service sa mga barangay sa bayan ng Pagbilao

Nagmula ang pondo ng community-based TUPAD (Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program sa Tanggapan ni Senator Francis Pangilinan na ibinahagi kay Quezon Vice Governor Samuel Nantes at sa pakikipag-ugnayan kay Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

Ang mga TUPAD workers ay binigyan ng Face Mask, Face Shield, Sombrero, at iba pang kagamitan na magagamit nila sa community service tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagdidisinfect, pagdadala/paghahatid ng module at iba pa.

Kasama ni Mayor Palicpic dumalo rin sa aktibidad sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, HRMO Isabelita Lucila, Councilor Manny Luna, Councilor Aldrien Calabia at Councilor Lolito Merle na nagbigay ng kanilang mga mensahe.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/yhb4jder