The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

TUPAD Orientation

September 03, 2021

News

02 Setyembre 2021 | Mahigit 110 PagbilaoWINS ang dumalo sa DOLE TUPAD Orientation Seminar, bago isagawa ang kani-kanilang Community Service sa mga barangay sa bayan ng Pagbilao

Nagmula ang pondo ng community-based TUPAD (Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program sa Tanggapan ni Senator Emmanuel Joel Villanueva sa pakikipag-ugnayan nina ASEC Teodoro M. Gatchalian at Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

Ang mga TUPAD workers ay binigyan ng Face Mask, Face Shield, Sombrero, at iba pang kagamitan na magagamit nila sa community service tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagdidisinfect at iba pa.

Kasama ni Mayor Palicpic dumalo rin sa aktibidad sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, PESO-OIC Daisy Porta, Councilor Dita Ayaton, Councilor Manny Luna, Councilor Aldrien Calabia, at Councilor Lolito Merle na nagbigay ng kanilang pagsuporta sa nasabing gawain.

Kaugnay naman ng Reskbakuna Campaign ng Lokal na Pamahalaan inanyayahan si Ate Gigi Portes bilang Volunteer Resource Speaker ng Ligtas Gabay ukol sa COVID-19 Program.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3tc7enH