08 October 2021 | Pinangunahan nina Senator Joel
"TESDAman" Villanueva at Pagbilao Mayor Shierre Ann
Portes-Palicpic ang isinagawang TUPAD PAYOUT ngayong araw na idinaos
sa Pagbilao National High School.
Tinanggap na ng 111
nating kababayang PagbilaoWINS sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ang kanilang sweldo mula sa sampung araw na
community service gaya ng paglilinis at pagtatanim sa kani-kanilang mga
barangay.
Bawat isa sa mga
benepisyaryo mula sa ating bayan ay nakatanggap ng assistance mula sa Department
of Labor and Employment (DOLE), ang tanggapan ni Senator Joel Villanueva
katuwang sa pagpapatupad ng programa ang Public Employment Service Office
(PESO) at Pamahalaang Lokal ng Pagbilao sa pamumuno ni Mayor Palicpic.
Dumalo rin sa
gawain si PESO Manager Magdalena Gloria, Councilor Dita Ayaton, Councilor Manny
Luna, Councilor Aldrien Calabia at Councilor Lito Merle na nagbigay ng kanilang
pagsuporta sa gawain na nabanggit.
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3uZQUre