TURN-OVER CEREMONY NG BIGO TALIPAN ROAD SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG PAGBILAO, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Matagumpay na isinagawa ang turn over ceremony ng Bigo Talipan Road sa Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Pagbilao noong ika-24 ng Hulyo taong kasalukuyan na ginanap sa barangay hall ng Bigo.

Personal namang dumalo sa naturang aktibidad sina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Administrator Ian Palicpic, Konsehal Celedonio Dapla, ilang mga department heads ng Pamahalaang Bayan, Sangguniang Barangay at Punong Barangay ng Bigo, Kapitan Virgilio De Chavez at sina John Paulo Gomez na kumatawan kay Ian Gomez at Mherla Orinday na naging representante ni Artemio Peñaverde.

Sa naging pananalita ni Mayor Shierre Ann Palicpic, na bagamat inabot ng isa at kalahating taon ang pag-aasikaso ng mga dokumentong may kinalaman dito ay nanaig pa rin ang kagustuhan ng mga may ari at ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng oportunidad ang naturang barangay at ang mga residente nito.

Ipinaabot din ng punong bayan ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa nasabing dalawang pamilya sa pagbibigay ng kanilang mga lupain na maaaring magbukas sa mga negosyanteng magnanais maglagak ng kanilang salapi upang mamuhunan dito.

Dagdag pa ni Mayor Palicpic na ang naturang barangay hanggang sa poblacion ay ang ikatlong lugar na kung saan kinakikitaan ng malaking potensiyal ng kaunlaran dahil aniya narito ang circumferential road na babagtas mula Talipan, Bukal at Bigo-Tayabas road na tatawid papuntang Mayhay, Ikirin at Ibabang Palsabangon.

Ayon sa punong bayan ay napakahalaga ng mga kalsadang ito dahil ito ang mag-uugnay upang maibaba ang mga serbisyo, produkto ng mga magsasaka at mapabilis ang takbo ng ekonomiya ng buong bayan ng Pagbilao.

Nangako din si Mayor Shierre Ann na hindi niya bibiguin ang mga residenteng umaasa na aangat ang antas ng kanilang pamumuhay bagkus ay kaniyang bibigyan ng panibagong pangalan ang Brgy. Bigo mismo na kung saan magbubukas ng oportunidad para sa mga ito. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

no images were found

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

LGU holds Mr. & Ms. Pagbilao 2018

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:26

Nine (9) lovely ladies and eight (8) dashing gentlemen vied for the Mr. & Ms. Pagbilao crown, November 23, 2018…

Read More

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:23

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.