
Brigada Eskwela
Materials, Vitamins C, Multivitamins, Self Test Kit/Hygiene Kit at Television
Set, ipinagkaloob sa Pagbilao DepEd District I
June 8, 2022 | Bumuhos ang biyaya mula sa Lokal na Pamahalan ng
Pagbilao sa mga pampublikong paaralan na sakop ng Pagbilao DepEd District I na
ginanap sa Pagbilao Central Elementary School.
Pinangunahan ni #DaBesKa Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang pagtuturn
over ng Brigada Eskwela Materials kay District Supervisor Catalino Porta kasama
ang Principals at representatives mula sa mga paaralan bilang suporta sa Balik
Eswela Brigada.
Ipinagkaloob din
sa kanila ang 400 pcs Vitamins, 500 pcs multi-vitamins at 1,500 pcs hygiene
kits upang siguruhing ligtas at maayos ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga
guro na nagsimula na ng Progressive Face to Face Learning.
Dagdag dito,
ibinigay na rin ang 30 Television Set para sa mga silid-aralan ng Grade 6 dahil
nais ng Punong Bayan na maranasan din kung ano ang nararanasan sa isang
pampribadong paaralan.
Hinikayat naman ni
Dr. Riki Tolentino ang mga dumalo na magpabakuna laban sa COVID-19 upang may
proteksyon sa naturang sakit.
Naniniwala si
Mayor Palicpic na dahil sa sama-samang inisyatibo at pagtutulungan para sa isa
pinakamalapit sa kanyang puso, ang sektor ng edukasyon, ang mga nasimulan ay
ipagpapatuloy at patuloy na ipapanalo para sa mas matatag na mamamayang
PagbilaoWINS at bayan ng Pagbilao.
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3xC8anV