The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ulat Bayan

August 02, 2022

News

 ULAT BAYAN

Dumalo kahapon ang ating butihing Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes sa pulong ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) kasama si Ma'am Jane Luce, ang focal person ng Municipal Gender and Development.

Pinag-usapan sa pulong ang mga nagawang proyekto ng mga kababaihan sa kani-kanilang barangay. Inalam din ng alkalde ang iba pang proyektong nais ng kalipunan para mabigyan niya ng prayoridad.

"Hindi natin puwedeng balewalain ang KALIPI sapagkat binubuo ito ng mga kababaihang walang tanging hangad kundi ang makapaglagay ng pagkain sa kanilang hapag para sa pamilya. Lilikha tayo ng mga proyektong makakatulong pa sa kanila," dagdag pa ni Ate Gigi.

Pagkaraan ay bumisita si Ate Gigi sa Pagbilao Mangrove Experimental Forest sa Bgy. Ibabang Palsabangon kasama ang research team ng Ecosystem Research and Development Bureau sa pangunguna ni Mr. Gregorio Santos Jr.

Sa pulong ay pinag-usapan ang mga mahahalahang kaalaman ukol sa bakawan at kung paano pa ito pangangalagaan upang makatulong sa mga species na nabubuhay dito.

Binanggit ni Ate Gigi ang plano niyang maglaan para sa turismo ng isang bahagi ng 145 ektaryang bakawan upang ilaan sa turismo at makalikha ng mga trabaho para sa mga taga-Pagbilao.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3d5CUaz