The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ulat sa Bayan ni Ate Gigi

August 08, 2022

News

ULAT SA BAYAN NI ATE GIGI

Nakipag-usap kahapon, Aug 9, 2022 ang masipag Punong bayan Ate Gigi Portes sa mga kinatawan ng Mines and Geosciences Bureau Central Office tungkol sa project presentation na nakatakdang gawin ngayong araw ng Miyerkules.

Nakipag-alam din si Ate Gigi sa Coordination and Camp Management Training sa Mapagong Senior Citizens Building. Kaugnay ito ng paghahanda ng mga Evacuation Camps sakaling may mga sakunang dumating o maganap sa bayan ng Pagbilao. "Safety of all Pagbilaowins ang laging una sa akin" pahayag ng alkalde.

Pagkaraan, pinangunahan ni Ate Gigi ang donasyon ng A4 Bond Papers sa Pagbilao National High School para sa darating na pasukan.

Nagtungo rin si Ate Gigi sa Pagbilao Slaughterhouse para paalalahanan ang mga kawani doon ukol sa maayos na pagproseso ng mga hayop na kakatayin. "Dapat ay siguruhin natin na laging  ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang bawat baboy o baka na kakatayin dito at  de-kalidad ang karneng lalabas sa pasilidad na ito," diin ng masipag na alkalde.

Binisita din niya ang Pagbilao Cemetery para tingnan ang kalagayan ng mga pampublikong libingan at nangako na ipagpapatuloy ang pamimigay ng libreng kabaong sa nangangailangan. "Hindi lang ang mga nabubuhay ang dapat nating bisitahin. Dapat rin natin alalahanin at huwag kalimutan ang mga kababayan nating sumakabilang-buhay na dahil nag-iwan sila dito ng mga bagay at gawaing pinakikinabangan ng mga Pagbilaowins."

Bago matapos ang araw, binisita ni Ate Gigi ang mga proyekyong pang-impraistruktura tulad ng Line Canal sa Bgy. Parang, Riprapping ng Tambak River, at construction ng Pinagbayanan Multi-Purpose Building. "Habang nalalapit tayo sa pagtatapos ng aking unang 100 araw, dadako naman ang inyong lingkod sa pagbisita sa mga pagawaing bayan ng Pagbilao para matiyak ko na nauuwi talaga sa serbisyo ang pondo ng ating bayan."

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3zRRJW1