The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

ULAT SA BAYAN

August 18, 2022

News

Pulong at konsultasyon sa kanyang tanggapan ang inasikaso kahapon, Agosto 18 ng ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes.

Nakipag-usap si Ate Gigi kay Mr. Christian Castro tungkol sa kasunduan sa pagitan ng LGU Pagbilao at Red Cross para sa gaganaping Blood Letting sa darating na Agosto 30, 2022.

Nais ng Punong bayan na hindi na mahirapan ang Pagbilaowins sakaling mangailangan ng dugo  para sa mga may karamdamang mahal sa buhay.

Nakipagpulong din si Ate Gigi kay Mr. Rialito Reyes tungkol sa maayos na pag-aalaga, pag-alam sa mga problemang nararanasan, at pagbibigay ng mga solusyong kailangan para mapaunlad pa ang pagpaparami ng kalabaw.

Nagkaroon din ng pulong si Ate Gigi kay Mam Darlene Portes, kinatawan ng Energy World Power Operation tungkol sa pagkakaloob ng safety kits at Thermo Scanner na gaganapin sa Agosto 22. Magkakaloob din ng 270 boxes ng surgical facemasks na ipapamahagi sa mga eskuwelahan.

Nakipay-usap din si Ate Gigi kay Mrs. Polly Enriquez at mga kasama mula sa PLDT AT SMART tungkol sa programang 911. Pagkaraan, tinanggap naman mula kina Kapitan Roy Marin at Kapitan Ryan Lustado ang deeds of donation para sa proyektong pagsesemento na pinasimulan noong nagdaang administrasyon.

Isinara ng masipag na Punong Bayan ang araw ng Miyerkoles sa pagbisita sa Agri-Tourism Fair na binuksan kahapon sa Kapitolyo ng Lalawigan kaugnay ng pagdiriwang ng Quezon Day 2022 at pakikiisa sa Ina ng Lalawigan ng Quezon, Gobernadora Helen Tan.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3R1Xqb2