Sa kabila ng
pandemya, patuloy pa rin ang pagbaba ng mga programang pangkalusugan ng
Pamahalaang Lokal gaya ng USAPANG BUNTIS na isinagawa sa Barangay
Antipolo nitong Setyembre 28, 2021.
Dinaluhan ito ng
ating mga kababayang PagbilaoWINS na nagdadalang tao na nagmula sa Barangay
Añato, Bigo, Antipolo at Tukalan kung saan tumanggap sila ng Pre-natal
consultation kay Dr. Francis Gerard Daya.
Bilang bahagi rin
ng P1K Program o PagbilaoWINS Una Ka, isinagawa ang pagbabakuna ng Libreng
Anti-Flu sa ating mga kababayan dumalo sa aktibidad.
Hangad ni Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic ang mabuti at malusog na kalusugan para sa lahat.
Kayang kaya Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/2Ykt11o