The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

VAWC, BCPC, GST, ANTI TRAFFICKING IN PERSON SEMINAR

August 09, 2020

News

Isinagawa ang mga pagsasanay hinggil sa Batas Republika 9262 o Anti Violence Against Women and Children Act of 2004, Barangay Council for the Protection of Children, Basic Gender Sensitivity and Anti Trafficking in Person Seminar sa anim na barangay ng Bayan ng Pagbilao mula Hulyo 17 hanggang Agosto 5, 2020. May kabuuang 300 kasapi mula sa ibat ibang sector - Kababaihan, Kalalakihan, Kabataan, PWD at mga Opisyal ng barangay ang dumalo sa nabanggit na pagsasanay. Naging tagapagsalita ang mga kawani ni MSWD. Layunin nito na mapataas ang kaalaman ng mga tao sa kabarangayan hinggil sa naturang mga batas at sanggunian. Ang programang ito ay isa lamang sa mga pangunahin programa ng ating bayan sa pangunguna ng Punong Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here