The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Women Help Women

March 05, 2020

News

ISANG INA, TINULUNGAN ANG ISA PANG INA Likas na busilak ang puso ng butihing Ina ng Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa mga taong nangangailangan, lalo nang makita niya ang isang ina na may breast cancer kaya personal niyang tinungo ang tirahan nito at Ipinaabot ang kanyang pagtulong ngayong araw, Marso 5, 2020. Ngayong Buwan ng mga Kababaihan, isang magandang pagkakataon ito upang matulungan ang isang babaeng PagbilaoWIN sa kanyang hinaharap na karamdaman. Kung kaya, sa lahat ng nagnanais na tumulong sa kanya ay mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Brgy. Daungan. Ano nga ba ang Breast Cancer? Ang Breast Cancer o Kanser sa Suso ay ang pinakakaraniwang uri ng kanser ng mga kababaihan Pilipino. Mahalaga ang maagang pagtuklas at paggamot sa nabanggit na sakit upang malunasan ito. Ano ang mga sintomas ng Breast Cancer? *DIBDIB Anumang laki ng bukol, Pagbabago ng hugis o laki Butas sa balat, Pagsikip ng ugat o mukhang binalatang kahel ang balat *UTONG, Paglabas ng nana na may dugo, Pag-urong (Paglubog ng dibdib) *KILIKILI, Namamagang mga kulani