Hinimok ni Mayor Ate Gigi Portes ang mga estudyante na nagtapos ng Alternative learning system (ALS) na pagyabungin pa ang kanilang pagpupursige sa pag aaral lalo na kung papasok kayo sa kolehiyo.

Sinabi ni Mayor Portes na ang ALS program ay pasimula pa lamang para tahakin ang susunod na landas at paghandaan ang inyong future sa hinaharap.

Pahayag pa ng alkalde na ang edukasyon ay isa sa pinaka importanteng gawain ng isang kabataan at Isa rin ito sa priority natin sa panunungkulan kaya dapat lahat ng kabataang Pagbilaoin ay makapag aral at makapagtapos at makahanap ng disenteng trabaho .