Ngayong araw, nakiisa tayo sa ika-35 PHILIPPINE TRAVEL MART na may temang LOVE THE NEXTGEN TOURISM na inorganisa ng PHILTOA. Ginanap ito mula Setyembre 6-8, 2024 sa SMX CONVENTION CENTER, SM MALL OF ASIA, Pasay City, Metro Manila.
Tampok dito ang ibat ibang tourism stalls and booths kung saan ay kabilang ang Niyogyugan booth mula sa Probinsya ng Quezon, laman ang ipinagmamalaki nating iba’t ibang produkto.
Hinikayat din ni Ginoong Nesler Louies Almagro, Provincial Tourism Officer ng ating Probinsya ang ating mga kababayan sa kamaynilaan na bisitahin ang Niyogyugan booth hanggang bukas September 8 para makitagay at masaksihan na rin ang programang inihanda mula sa ating Lalawigan at tagapagtanghal na kalalawigan kasama ang ating ipinagmamalaking si Dylan Genicera.
Sa pamamagitan naman ng ating mga masisipag na kawani, masusing pinag-aralan at inalam ang iba’t ibang pamamaraan ng iba’t ibang bayan at probinsya sa magkakaibang rehiyon kung paano nila pinapalakas ang pagpapakilala at pagpapayabong ng kanilang kultura at turismo.
Panibagong daan para mas mapalakas ang turismo ng bayan ng Pagbilao kasabay ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayang Pagbilaoins.