The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

AICS Payout

May 08, 2024

News

MAY 8, 2024 | AICS PAYOUT

AICS/ Payouts sa mga Pagbilaoin

Umabot sa 190 na Pagbilaoin ang nakatanggap ng “financial assistance” mula sa tanggapan ni Quezon Governor Dra. Helen Tan.

Ito ay bilang ayuda o suporta ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga pamilya na nakakaranas ng crisis situation.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Ate Gigi Portes si Gov.Dra. Helen Tan dahil hindi nito kinakalimutan ang kapakanan ng mga Pagbilaoin.

Pinayuhan din ni Mayor Portes ang mga benepisaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) lalo na ang mga Senior Citizen na laging uminom ng tubig at iwasan ang mga aktibidad sa labas ng tahanan dahil sa sobrang init ng Panahon.

Ibinalita rin ng Alkalde na maraming kumpanya ang magbubukas sa bayan ng Pagbilao na tiyak na magbibigay ng karagdagang trabaho.

Iba pang larawan: bit.ly/4brl0I4