LGU Pagbilao muling inilunsad ang programang Chikiting Ligtas – dagdag bakuna Kontra Polio.
Target ng Pamahalaang Lokal ng Pagbilao na mabigyan ng bakuna ang may 4,518 na mga bata na may edad “below 5 years old” para maprotektahan ang mga ito laban sa sakit na Polio.
Sa muling paglulunsad ng LGU Pagbilao sa “National program na Chikiting Ligtas- dagdag bakuna kontra Polio”, sinabi ni Mayor Ate Gigi Portes na kailangang matiyak natin na ligtas ang mga Pagbilaoin lalo na ang mga bata laban sa sakit na Polio,upang manatiling “Polio Free” ang bayan ng Pagbilao.
Hinimok din ni Mayor Portes ang publiko lalo na ang mga Nanay na may mga alagang sanggol o mga bata na makiisa sa supplemental vaccination program para maprotektahan sila laban sa naturang sakit dahil ang batang Pagbilaoin na may bakuna ay protektado.
Bukod kay Mayor Ate Gigi Portes, nagbigay din ng mensahe si Dr. Riki Tolentino, Municipal Health Officer, Vice Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Councilor Jeffrey Tinana, Chairman Committee on health, Adrea May San Pedro Garduque NIP coordinator ng Deprtment of health, nakiisa rin ang lahat ng staff ng RHU, mga bata at magulang na kalahok sa naturang programa.